Saturday, 2 November 2019

Sigaw ng Inang Kalikasan



      Ang mundo ay ang nagsisilbing tahanan ng sangkatauhan. Pero paano kung ang ating tahanan ay unti-unti nang nasisira at nawawasak dahil sa kasakiman at kaganidan ng sangkatauhan? Maaari pa bang malunasan ang mga pinsalang nagawa ng sangkatauhan o patuloy na lamang tayong magbubulagbulagan sa pagkasira ng ating mahal na kalikasan? Ating mapapansin sa nagdaang mga taon ang mga delubyong kumikitil sa milyong buhay ng mga tao. Sunod sunod na ang mga bagyo na dumaraan kada taon, sobrang init nadin ng klima ngayun, nawawala na ang mga tipak ng yelo sa Norte, ang mga kabundukan ay nagiging patag na, ang dating malinis na tubig sa dagat ay nadumihan na dulot ng mga basura, at ang mga nagtataasang mga puno ay unti-unti nang nawawala. Dahil sa mga kagimbal-gimbal na pangyayaring ito ay tiyak na ang Inang kalikasan ay tumatangis at nagmamakaawa ngayun. Sa kabila ng napakaraming kapakinabangan mula sa kalikasan ay tila masalimuot na kapabayaan at kabayaran naman ang ganti ng sangkatauhan. May pagasa pa ba? Maibabalik pa ba? At maisasalba pa ba ang dating anyo ng mundong kinagisnan? Kung patuloy ang pagkasira ng mundo, Paano na tayo? Paano na ang kasalukuyan? Paano na ang mga susunod na henerasyon? 

        
    Bilang isang kabataang nakikiisa sa pangangalaga ng ating kalikasan ay naniniwala parin akong malaki pa ang pag-asa upang maayus ang mga pinsalang naidulot natin sa mundo. Umpisahan natin sa pagkakaroon ng “disiplina” sapagkat kung ating gagamitin ang  tamang pag -uugali, magpakita ng respeto sa paligid at may maayus na moralidad makakamit natin ang pagbabago upang maibalik ang ganda ng ating mahal na kalikasan. Huwag natin sayangin ang isang magandang regalong  bigay sa atin ng Maykapal. Ipinagkatiwala niya satin ang mundong ito para alagaan at mahalin hindi para sirain o sayangin. Kaya bilang isang indibidwal ay marapat na magkaroon tayo ng pakialam sa kung ano ang mga dapat at hindi  dapat gawin para maiwasan ang pagkawasak ng ating mahal na tahanan.